Mahigit P3-M halaga ng kahoy mula Mindanao, nasabat sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2018 09:15 PM

CONSOLACION, Cebu—Mahigit P3 milyong halaga ng mga kahoy na galing Mindanao ang nakuha ng taga Department of Environment and Natural Resources at mga pulis sa bakuran ng isang hardware sa Barangay Tayod sa bayang ito Miyerkoles.

Bitbit ng taga-DENR ang search warrant, kasama ang taga-Provincial Intelligence Branch, Philippine National Police Maritime Group, Navy, at City Environment and Natural Resources nang isinagawa ang ronda sa hardware.

Nakita ng mga awtoridad ang mga kahoy gaya ng falcata, molave, mangium, at red and white lawaan. 

Ayon sa DENR, walang naipakitang permit ang mga manggagawa nang na naabutan ng raiding team. Wala naman sa lugar ang may-ari ng bakuran.

Sa scaling na ginawa ng DENR, aabot sa P3 milyon ang halaga ng mga undocumented na kahoy. 

Kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang haharapin ng may-ari ng bakuran.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.