Gurong 'nangyakap, hahalik' ng atleta sa banyo ng Palaro, kalaboso

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2018 07:07 PM | Updated as of Apr 19 2018 04:13 PM

Isang guro ang hinuli sa Ilocos Sur noong Martes dahil sa pagyakap at tangkang paghalik sa isang atleta sa 2018 Palarong Pambansa. Kuha ni Bryan Realgo, ABS-CBN News

Naaresto noong Martes sa Ilocos Sur ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng pambabastos ng isang binatilyong atletang kalahok sa 2018 Palarong Pambansa.

Nakapiit ngayon sa istasyon ng pulis sa Caoayan, Ilocos Sur ang 28 taong gulang na si Rodymar Lelis, isang elementary school teacher mula Cebu City.

Hinuli si Lelis sa venue ng dance sports competition ng Palaro matapos ireklamo ng 14 anyos na atleta.

Sa imbestigasyon, bigla na lang pumasok ang suspek sa banyo kung nasaan ang binatilyo at saka niyakap at tinangkang halikan ang atleta.

Tinanong din umano ng guro kung "magkano" ang atleta.

Agad nagsumbong ang atleta kaya nahuli sa mismong venue ang guro.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang guro, na kinasuhan nitong Miyerkoles ng acts of lasciviousness.

-- Ulat ni Bryan Realgo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.