1 patay, 17 sugatan sa aksidente sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2018 06:26 AM

Mula sa Miagao Municipal Police Station

MIAGAO, Iloilo - Patay ang isang pasahero habang sugatan ang 17 iba pa matapos mahulog sa bangin ang pampasaherong jeep nitong lungsod Martes ng hapon.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nasawi sa aksidente.

Dinala naman ang mga biktima sa pagamutan sa karatig na bayan ng Guimbal at Iloilo City.

Kabilang sa mga nasugatan ang drayber na si Ronnie Failaman.

Ayon kay Failaman, na-distract siya nang sabihan umano ng isang pasahero na may nahulog sa bubong ng jeep.

Dahil matarik ang daan sa Barangay Igbita, umandar ang jeep ng paurong hanggang sa mahulog ito sa bangin. Hindi na umano naapakan ng drayber ang preno.

May 25 pasahero ang jeep nang mangyari ang aksidente.

Nakakulong ngayon si Failaman at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with serious physical injuries. - ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.