Arestado ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PGC) at 5 kasama niya sa buy-bust operation sa San Pedro, Laguna, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat ng San Pedro police, nangyari ang operasyon noong gabi ng Sabado sa Barangay Landayan.
Tatlo sa 6 na naaresto ang itinuturing na "high value individual," kabilang ang 27 anyos na miyembro ng PCG.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu, na aabot sa 150 gramo at nagkakahalagang higit P1 milyon.
Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek, na nasa kustodiya ng San Pedro police.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.