BACOLOD — Hindi na nakalabas mula sa kanilang nasusunog na bahay ang isang ina at kanyang 3-anyos na anak sa Barangay Taculing sa Bacolod City nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa mga residente, nakita pa nila ang ina na isang person with disability (PWD) na pinapalabas sa bintana ng kanilang bahay ang kanyang anak na babae pero nabigo siya.
Pareho silang na-trap sa loob ng bahay at nasawi sa sunog.
Umabot sa anim na bahay ang natupok ng sunog kung saan walong pamilya ang naa
Aabot sa walong pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Ayon kay City Fire Marshall Chief Inspector Stephen Jardeleza, city fire marshall chief inspector ng Bacolod City Bureau of Fire Protection, posibleng napabayaang niluluto o kuryente ang pinagmulan ng apoy.
Inutos naman ni Mayor Albee Benitez ang pagtukoy sa mga fire-prone areas sa Bacolod City para maiwasan ang disgrasya.
Magiging prayoridad umano ang mga lugar na ito sa pabahay na programa ng lungsod.
Ang barangay at ang lokal na pamahalaan ang agad namang nagpadala ng ayuda sa mga pamilyang biktima ng sunog habang sa evacuation center ng Barangay Taculing sila pansamantalang nakikisilong.
—Ulat ni Romeo Subaldo
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.