Quiapo Church, dinagsa ng mga deboto sa Easter Sunday

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2022 11:10 AM | Updated as of Apr 17 2022 10:09 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA — Tuloy-tuloy ang dating ng mga deboto sa Quiapo Church para sa misa ngayong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Ilan sa mga deboto ay hindi na nakapasok sa loob ng simbahan at nanood na lamang sa LED screen sa gilid.

Sentro ng Homily ang kahalagahan ng pamumuhay sa diwa ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa.

“Kung ibig nating makibahagi sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon, sikapin nating maging dalisay ang ating buhay hanggang kamatayan,” ayon kay Rev. Fr. Franklin Villanueva.

Binigyang diin naman sa 6 a.m. Mass ni Rev. Msgr. Hernando Coronel ang pagiging tapat sa sarili at sa kapwa.

Samanatala, pag-iwan sa mga makamundong gawain naman ang sentro ng 7 a.m. Easter Sunday Mass homily.

"Wala sa adiksyon sa alcohol o sugal ang diwa ng muling pagkabuhay. Nasa pagiging tapat ito sa kapwa,’ sabi ni Rev. Fr. Earl Valdez.

Ngayong Easter ay balik na sa normal schedule ang Misa sa Quiapo Church.

Para sa morning Mass, nagsimula ito ng alas-5 hanggang alas-11.

Magpapatuloy ito ng alas-12:15 ng tanghali, at alas-7 ng gabi ang huling Misa.

Ipinaalala pa rin ng pamunuan ng simbahan na maaring dumalo ng virtual Misa sa kanilang official Facebook page upang maiwasang makipagsiksikan lalo na’t hindi pa tapos ang pandemya.

—Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC