PatrolPH

Bahagi ng kalsada sa Southern Leyte, naputol dahil kay 'Agaton'

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2022 03:42 PM

Larawan mula kay Jayson Mendez.
Larawan mula kay Jayson Mendez.

Naputol ang bahagi ng San Vicente — Hilaan Provincial Road sa matapos ang pananalasa ng Bagyong Agaton sa Barangay Malbago, Bontoc, Southern Leyte.

Ayon kay Jayson Mendez, residente sa lugar, dahil sa dalang mga pag-ulan at pagbaha epekto ng Bagyong Agaton gumuho ang lupa sa daanan kaya hirap makatawid dito ang mga residente.

Kwento pa niya, tuwing may pagbaha palaging naapektuhan ang kanilang kalsada na nagiging peligro sa mga dumaraan na residente.

Sa ngayon, naglagay ng pansamantalang daanan ang mga kinatawan ng Bontoc local government sa pakikipagtulungan ng Provincial Engineering Office ng Southern Leyte.

Panawagan naman ng mga residente matulungan silang hindi na abutin ng pagbaha ang kalsada.

—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.