PatrolPH

Lalaki sugatan matapos sumuot sa ilalim ng van sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2021 03:24 AM

Sugatan ang isang lalaki matapos makaladkad at sumuot sa ilalim ng isang van sa Brgy. Airport, Mandurriao, Iloilo City Biyernes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, paliko ang naturang van sa lugar nang makasalubong nito ang motorsiklong minamaneho ng biktimang si Aresto Velasco, at nauwi sa banggaan.

Nagtagal ng halos kalahating oras ang biktima sa ilalim ng van bago siya nasagip ng rescue team.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo at nabalian ng kaliwang paa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring insidente habang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng van.--Ulat ni Rolen Escaniel

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.