PatrolPH

CAFGU member patay sa pamamaril sa Surigao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2021 03:56 PM

CLAVER, Surigao del Norte— Patay ang isang miyembro ng Special CAFGU Active Auxiliary o SCAA matapos barilin ng hinihinalang miyembro ng New Peoples Army sa bulubunduking bahagi ng Barangay Urbiztondo dito sa bayan, Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon, nakilala ang biktima na si Renel Natad, 27 anyos, at nadestino sa SP2 Patrol Base, 1st SCAA Company.

Hinihinalang miyembro ng Guerilla Front 16C, Northeastern Mindanao Regional Committee ang mga bumaril kay Natad.

Ayon kay 901st Infantry Brigade Civil Military Operations Officer Capt. Joash Pramis, off duty at pabalik na sa patrol base ang biktima nang barilin ng mga hinihinalang rebelde.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon at pursuit operation ng awtoridad para mahuli at mapanagot ang mga salarin.

- Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.