DSWD: Seniors na head of the family at may pension, 'di kwalipikado sa social amelioration program

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 02:15 PM | Updated as of Apr 17 2020 02:34 PM

Street dwellers queue for their lunch inside the Malate Catholic School Gymnasium in Manila on March 29, 2020. Food and other basic needs are provided by the St. Arnold Janssen Kalinga Centerled led by Fr. Flavie Villanueva who aims to give shelter to the homeless who have no place to go during the enhanced community quarantine due to the COVID-19 outbreak. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Hindi kasali ang mga pensiyonadong senior citizen sa mga makatatanggap ng cash aid bilang ayuda ng gubyerno sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program, ayon sa tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Kapag may senior citizens na head of the family at sila ay may tinatanggap na pension, hindi po sila maka-qualify sa social amelioration program primarily because it is included in our guidelines na kapag ikaw ay retired and receiving pension you are not qualified po,” ito ang paglilinaw na ibinigay ni Irene Dumlao, Biyernes ng umaga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Dumlao na prayoridad nila ngayon na mabigyan ng ayuda ang mga pamilyang walang lubos na pagkukunan ng pera para sa kanilang pangangailangan.

“Pina-prioritize natin yung mga pamilyang walang source of income during this implementation of this ECQ (enhanced community quarantine),” sabi ni Dumlao.

Dagdag pa ni Dumlao, may iba pang mga programa ang DSWD na maaaring makatugon sa medikal na pangangailangan ng mga senior citizen tulad ng assistance to individuals in crisis situation.

Samantala, ibinahagi rin ni Dumlao na nagsisimula na ang pagbibigay ng first semester social pension (SocPen) for indigent senior citizens.

“Ang SocPen natin ibinigay within the semester. Yun pong tinatanggap nilang buwanang social pension which is P500 ay binibigay within the semester so that is P3,000,” sabi ni Dumlao.

Covered ng unang semester ay ang mga buwan ng Enero hanggang Hunyo.
 
“Ngayon po, since the funds for social pension for senior citizens is direct released sa ating field offices, ang ating mga FO ay nag-umpisa na po na mag-transfer ng funds sa mga local government units, considering that we were able to secure authority from the Office of the President para po doon sa pag-transfer ng funds doon sa LGUs,” ani Dumlao.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para sa distribusyon ng SocPen.

“Mas alam ng local government units how to distribute the funds to the social pensioners considering nga po yung vulnerabilities nila and considering ayaw natin silang lumabas ng kanilang bahay. We have partnered with the local government units para maaaring ipahatid house-to-house yung SocPen,” sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.