Barangay sa Batac nakakuha ng P136,000 donasyon sa gitna ng COVID-19 lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 11:15 AM | Updated as of Apr 17 2020 11:46 AM

Inaayos ng mga awtoridad ang mga relief good na kanilang nabili sa tulong ng mga donasyon. ABS-CBN News

BATAC, Ilocos Norte - Nakatanggap ng nasa P136,000 cash donation ang Barangay Ricarte sa lungsod, sinabi Biyernes ng mga lokal na opisyal na ginamit ang pera para sa relief aid habang naka-lockdown ang buong Luzon para pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Nagmula anila ang karamihan ng donasyong P136,460 sa mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa at Metro Manila, at ilang residente ng barangay.
 
Nasa P50,000 na ang nagastos ng mga opisyal para sa grocery items, bigas, gulay, manok at iba pang relief goods, ayon sa barangay officials.

Sampung beses na anilang nakapagpamahagi ng ayuda sa mga residente mula Marso at muli silang mamimigay ng relief packs ngayong Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.