Babae tiklo sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Talisay City

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 05:15 AM

PNP-CIDG Bacolod handout photo

Inaresto ang isang babae dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol sa Barangay 2, Talisay City, Negros Occidental nitong Huwebes ng hapon.

Binilhan ng mga awtoridad ang 25 anyos na babae ng alcohol na nagkakahalaga ng P200 kada litro ngunit ayon sa Department of Trade and Industry P148.50 lamang ang dapat na presyo nito.

Haharap sa kasong paglabag sa Price Act ang suspek.

-- Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.