TNVS driver, kasabwat arestado sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 03:54 AM

MAYNILA—Arestado ang isang transport network vehicle service (TNVS) driver at kasabwat nito sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, Martes ng hapon.

Nakuha sa kanila ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Quezon City Police District Station 10, nag-deliver umano ng droga ang mga suspek sa isang police poseur buyer. Nangyari ang transaksiyon sa loob ng sasakyan.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.