PatrolPH

‘No. 5 most wanted’ sa Pagadian city, tiklo sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 12:24 AM

BACOLOD CITY—Arestado sa lungsod na ito ang itinuturing na ika-5 "most wanted" sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong Lunes.

Inihain ng Police Station 7 ang warrant of arrest kay Lusile Adellene Salacut na may kinalaman sa kasong large scale estafa. 

Ayon kay Police Major Sherlock Gabana, modus ng suspek ang pagbenta ng mga alahas at pagtakbo ng pera.

Dagdag niya, may pinapalabas din si Salacut na catering service at cake shop, pero tinatakbo rin niya ang pera ng mga investors.

Mayroong 28 warrant of arrest sa Pagadian City si Salacut, ayon kay Gaban.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.