Dayuhan, nakuhanan ng P400,000 halaga ng 'shabu' sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 03:58 AM | Updated as of Apr 17 2019 09:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Timbog ang isang Palauan matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City Martes ng gabi.

Narekober sa 45 anyos na suspek ang higit P400,000 halaga ng droga na isinilid sa isang diaper.

Ayon sa airport police, nadiskubre ang droga matapos kapkapan ng security screening officer ang suspek na pabalik na ng Palau.

"Tumunog kasi naka-belt. Kinapkapan ko, nakita 'yung items," ani security screening officer Kristoffer Mijares.

Nakalagay sa loob ng bote ang 10 pakete ng umano'y shabu na isinilid sa isang diaper. Nakuha ito sa bulsa ng suspek.

Dumating sa Pilipinas ang suspek noong Abril 2 at tinagpo nito ang kaibigang Pinay na siya umanong nag-abot sa kaniya ng diaper.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.