Daan-daang bigkis ng karton, nahulog sa trak sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 04:10 AM

MAYNILA—Nagkalat sa C5 Libis flyover, Quezon City ang daan-daang bigkis ng karton matapos itong mahulog sa isang trak Miyerkoles ng hatinggabi.

Nagdulot ng pagsikip ng trapiko ang insidente pero wala namang nasaktan sa insidente.

Ayon sa drayber ng trak na si Ryan Baldera, galing siyang Balintawak at papunta sana sa isang bodega sa Pasig.

Naputol umano ang tali kaya nalaglag ang mga karton mula sa trak

Giit ni Baldera, mabagal ang kaniyang takbo dahil may sinusundan din siyang trak.

Dumating ang mga taga-Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong sa pag-clear ng mga nahulog na karton na ginagamit sa paggawa ng container ng fast food.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.