Barangay chairman sa Calbayog City nakuhanan ng di lisensiyadong armas

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 09:22 PM

CALBAYOG CITY, Samar - Arestado ang isang barangay chairman dito sa siyudad matapos makuhanan ng hindi lisensiyadong armas Martes ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Norman Ala, inihain ng awtoridad ang search warrant kay Barangay Bugtong Chairman Olempo Prasmo. 

Nakuha mula sa kaniya ang isang homemade shotgun, magazine at mga bala.

Kinasuhan si Prasmo ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Agad naman itong nakapagpiyansa sa halagang P120,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.