PatrolPH

ALAMIN: Mga kalsadang aayusin sa Kamaynilaan sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2019 06:31 PM

Sasamantalahin ng Department of Public Works and Highways ang panahon ng Semana Santa para magsagawa ng pagkukumpuni sa ilang parte ng Metro Manila. 

Sa isang abiso, sinabi ng ahensiya na magkakaroon ito ng apat na araw na road reblocking activities sa ilang lugar simula alas-11 ng gabi ng Miyerkoles, Abril 17. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Abril 22 sa mga sumusunod na kalsada:

 SOUTHBOUND 

  • EDSA mula sa kanto ng New York St. patungong Aurora Boulevard (ika-1 lane mula sa bangketa)
  • Gitnang lane ng Katipunan Ave., pagkalagpas ng F.B. Dela Rosa St. 

NORTHBOUND 

  • C-5 Road, kaharap ng SM Aura

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta. 


-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.