PatrolPH

33 sugatan sa pagtaob ng cargo van sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2023 11:29 AM

Nasa 33 tao ang sugatan matapos tumaob ang isang cargo van sa Infanta, Quezon noong Abril 15, 2023. Retrato mula sa Infanta police
Nasa 33 tao ang sugatan matapos tumaob ang isang cargo van sa Infanta, Quezon noong Abril 15, 2023. Retrato mula sa Infanta police

Aabot sa 33 tao ang nasugatan matapos tumaob ang sinasakyan nilang cargo van sa bayan ng Infanta, Quezon nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon sa Infanta police, sakay ng van ang mga empleyado ng isang construction service company at kanilang mga pamilya, na papuntang Real, Quezon galing Antipolo para sa isang outing.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng van habang dumadaan sa pakurbada at pababang bahagi ng highway sa Sitio Pinlac, Barangay Magsaysay.

Nasa 4 na pasahero, kabilang ang isang menor de edad, ang nagtamo ng serious injuries habang ang iba'y minor injures lamang.

Isinugod sa ospital sa Infanta ang mga pasahero ng van.

— Ulat ni Ronilo Dagos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.