PatrolPH

Ina hindi mahiwalay sa stuffed toy ng anak na nasawi sa landslide sa Baybay City

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2022 01:47 AM

Nakakapit sa Maribelle Mejia sa stuffed toy na binigay sa kaniya ng anak, na isa sa mga nasawi sa landslide sa Baybay City, Leyte nitong Lunes. Sharon Evite-Carangue
Nakakapit sa Maribelle Mejia sa stuffed toy na binigay sa kaniya ng anak, na isa sa mga nasawi sa landslide sa Baybay City, Leyte nitong Lunes. Sharon Evite-Carangue

Hindi maihiwalay ni Maribelle Mejia ang stuffed toy na binigay sa kaniya ng anak na isa sa mga nasawi nang matabunan ang lugar nila sa Baybay City, Leyte dulot ng landslide nitong Lunes.

Kwento ni Maribelle, dahil sa trabaho, hindi siya madalas makauwi kaya binigay sa kaniya ng 8-anyos niyang anak na sa Maria Carla ang laruan para may kasama daw siya sa tinitirhan niyang boarding house.

"'Mama ibutang lang diha sa imo higdaanan Mama kay imo na bantay kay ikaw ra man usa,' ana siya. Yun na din ang last namin na pagkita," mangiyakngiyak na pagkwento ni Maribelle.

(Mama, ilagay mo lang sa higaan mo kasi 'yan ang magbabantay sa'yo kasi mag-isa ka lang, sabi niya. 'Yun na din ang last namin na pagkita.)

Kabilang ang anak niya sa dalawang namatay sa landslide sa Brgy. Maypatag sa Baybay. Ang pangalawang namatay ay ang kanyang 16-anyos na nakababatang kapatid na si Rose. 

Ang masaklap pa, naganap ang landslide sa mismong kaarawan ng ama ni Maribelle.

Malaking parte ng Baybay ang natabunan ng lupa nang gumuho ito matapos umulan ng malakas sa Visayas at Mindanao bunsod ng bagyong Agaton.

Halos 90 porsiyento ng Barangay Kantagnos sa Baybay ang natabunan ng landslide. 

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nakukuhang patay sa lugar.—Ulat ni Sharon Evite-Carangue

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.