PatrolPH

4 magkakapamilya patay matapos mahulog ang sasakyan sa bangin sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2022 01:58 PM | Updated as of Apr 16 2022 02:10 PM

Apat na magkakapamilya ang namatay sa pagkahulog ng isang pribadong sasakyan sa bangin sa Tabuk City, Kalinga. Province of Kalinga
Apat na magkakapamilya ang namatay sa pagkahulog ng isang pribadong sasakyan sa bangin sa Tabuk City, Kalinga. Province of Kalinga

KALINGA – Apat ang patay sa pagkahulog ng isang pribadong sasakyan sa bangin sa Barangay Lucog, Tabuk City, sa probinsiyang ito bandang alas-4 ng madaling araw ngayong Sabado de Gloria. 

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, dadalo sana sa pagtitipon ang mga biktima nang mahulog sa bangin habang binabaybay ang isang matarik na kalsada sa lugar.

May 500 metro umano ang lalim ng bangin.

Nagsagawa ng search and rescue operations, pero natagpuan nang patay ang mga sakay kabilang ang driver.

Kinilala ang mga biktima na sina Marcelo Banggawan na nagmaneho ng sasakyan, mag-asawang Marvin at Marivic Sagyaman at kanilang anak. — Ulat ni Mae Cornes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.