PatrolPH

Lola, menor de edad, 5 iba pa arestado sa drug den sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2021 09:02 PM

MARILAO, Bulacan — Dinampot noong Huwebes ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 7 tao, kabilang ang isang lola at menor de edad, na naabutan sa isang drug den sa bayan na ito.

Ang lola ay 61 anyos habang ang bata naman ay 14 anyos.

Nakuha sa mga nahuli ang mga drug paraphernalia, buy-bust money at mga sachet ng hinihinalang shabu na humigit kumulang P81,600 ang street value.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli, maliban sa bata na itu-turnover sa social welfare office. 

DRUG DEN SA ANGELES CITY

Samantala, 10 suspek, kabilang ang dalawang banyaga, ang arestado naman sa 2 drug den sa Angeles City, sa operasyon pa rin ng PDEA.

Sa unang raid sa Sitio Josefa, Barangay Malabanias, huli ang 2 babae at 3 lalaki.

Kasunod nito ang pagsalakay sa isa pang drug den kung saan timbog ang 2 foreign nationals at 3 Pinoy.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit kumulang na 35 gramo ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa P238,000 ang estimated street value.

— Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.