PatrolPH

Higit P300,000 halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Marikina

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2021 06:24 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Dalawang tulak umano ng droga ang tiklo matapos mahulihan ng higit P300,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Parang, Marikina, nitong Huwebes.

Target ng operasyon ang 42-anyos na lalaki na kasama sa drugs watchlist at kilalang nagtutulak ng droga sa lugar, ayon sa pulisya.

Nagbenta siya ng P500 halaga ng umano'y shabu kasama ang isang 53-anyos na lalaki.

Kumpiskado sa kanila ang 14 pakete ng hinihinalang shabu na nasa 52 gramo ang bigat at tinatayang may halagang higit P353,000.

Inaalam pa ng pulisya kung saan nanggaling ang kanilang suplay at kung sino-sino ang kanilang mga parokyano.

Pagbebenta ng ilegal na droga ang kasong isinampa sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.