8 lugar pa sa Quezon City isinailalim sa special concern lockdown

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2021 06:21 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Patuloy na nadadagdagan ang mga lugar na isinasailalim sa special concern lockdown sa Quezon City nitong Huwebes.

Sa impormasyon mula sa lokal na pamahalaan, nag-umpisa na ang 14-day lockdown sa mga sumusunod na lugar:

Ayon sa LGU, mga bahagi lamang ng isang barangay at hindi ang buong barangay ang isinasailalim sa lockdown. Nilalagay sa SCL ang isang lugar kapag nakapagtala ng 10 o higit pang kaso ng COVID-19.

Lahat ng mga apektadong pamilya ay inaabutan ng mga food packs sa buong duration ng lockdown.

Sinasailalim din sila sa swab testing at agad iniisolate o dinadala sa Hope faciliies ang mga magpopositibo sa COVID-19 na may nararamdamang malalang mga sintomas.

Sa pinakahuling tala ng Quezon City health department, 9,181 ang active cases sa lungsod habang higit 53,000 ang mga recovery.

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.