Umano'y lider ng NPA, sumuko sa militar sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2020 05:52 PM

Photo courtesy of 303rd Infantry Brigade, Philippine Army

Sumuko sa militar ang itinuturing na lokal na lider ng rebeldeng New People’s Army sa Central Negros. 

Dala ang isang M16 rifle, mga magazine, bala at handheld radio, sumuko ang 33 anyos na si "Ka Roy" na taga Himamaylan City, Negros Occidental, sa tulong ng 62nd Infantry Battalion at 94th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon sa militar, gutom, sobrang pagod at hindi natupad na mga pangako ang dahilan kung bakit iniwan ni Ka Roy ang grupo at sumuko sa militar ang lokal na lider ng NPA.

Sinabi ni Col. Inocencio Pasaporte, Commander ng 303rd infantry Brigade, patuloy ang panawagan nila sa mga rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno lalo na’t sa ilalim ng comprehensive local integration program o E-CLIP.

- Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.