QC gov't todo-higpit na sa higit 80 pribado, pampublikong pamilihan sa lungsod

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2020 04:15 PM | Updated as of Apr 16 2020 08:10 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Nilimitahan na ng Quezon City local government unit (LGU) ang pagpasok ng mga tao sa kanilang mga pamilihan matapos maitala ang mga pagsuway sa physical distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nasa 8 ang pampublikong palengke ng QC at 74 naman ang kanilang pribadong pamilihan.

Maluwag na ang sitwasyon ngayong Huwebes sa mga pamilihan sa QC hindi tulad noong Sabado kung saan siksikan sa mga palengke gaya ng nangyari sa Balintawak market.

Ngayon, todo-bantay na ang mga pulis, MMDA, at mga tauhan ng barangay para maipatupad ang physical distancing.

Bukod sa pagbabantay, inilunsad din ang "fresh market on wheels" kung saan inilalapit na sa mga barangay ang mga pamilihan. Dito makabibili ng mga sariwang prutas at gulay ang QC residents. 

Nakikipagtulungan na rin ang Department of Agriculture (DA) sa pag-engganyo sa mga Pinoy na magtanim habang umiiral ang lockdown. Libre ang seedlings na ipamimigay at maaaring mag-request nito sa Facebook page o website ng DA. 

Sa huling datos ng Quezon City, nasa 982 na ang bilang ng mga confirmed COVID-19 cases sa lungsod, may 79 na namatay, at 72 na recoveries.

—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.