COVID-19 bayanihan: Magtiyo sa Batanes may pakulong 'raffle' sa ipinamahaging karneng baboy

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2020 10:16 AM | Updated as of Apr 16 2020 08:17 PM

Watch more in iWantTFC

Naisipan ng magtiyuhin na sina John Patrick Hubalde at Von Jester Asantor na taga-Ivana, Batanes na magbahagi ng libreng baboy sa kanilang mga kababayan. 

Pero sa halip na ibigay na lang, naisipan nila itong lagyan ng kakaibang gimik. 

Batay sa post ni Hubalde sa kaniyang Facebook page, pinagbunot nila ng number ang kanilang mabibigyan at saka malalaman kung anong parte ng baboy ang kanilang makukuha, at kung ilang kilo ang matatanggap.

Ayon kay Asantor, galing ang karne sa kanilang alagang baboy, na naisipan nilang katayin para ipamahagi sa mga nangangailangan ngayong may enhanced community quarantine. 

Watch more in iWantTFC

"May pata, may kasim, porkchop. Kahit isang araw siguro eh at least nakatulong ako ulam lang,” ani Asantor, na kawani rin ng Department of Agriculture. 

Kahit pa man wala pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar, sakop ang siyudad ng enhanced community quarantine na ipinatupad sa Luzon. 

Natigil sa ngayon ang komersyo at negosyo ng mga non-essential na negosyo sa lugar. 

Bubunot ng number ang kanilang mabibigyan at tsaka malalaman kung anong parte ng baboy ang kanilang makukuha at kung ilang kilo 

- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.