3 lalaki tiklo sa paglalaro ng volleyball kahit may quarantine sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2020 01:18 AM

Larawan mula sa San Jose PNP

Arestado ang tatlong lalaki sa bayan ng San Jose, Negros Oriental matapos makita ng mga pulis na naglalaro ang mga ito ng volleyball sa daan nitong Lunes kahit may quarantine sa probinsiya.

Sa ulat ng mga pulis, nakita ang tatlo na naglalaro kasama ang kanilang mga kapitbahay sa Purok 2, Barangay Santo Nino.

Nakatakas ang iba pang naglalaro ng volleyball.

Haharap ang tatlo sa kasong paglabag sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Negros Oriental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.