Prusisyon ng mga antigong imahe sa Vigan inihahanda na

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2019 05:50 PM | Updated as of Apr 16 2019 06:27 PM

Isa ang imahe ni San Pedro sa mga inihahanda para sa prusisyon sa Biyernes Santo sa Vigan. Ayon sa caretaker ng imahe, 18th century pa umano ito, base sa kuwento ng kanilang lolo. Larawan mula kay Marvin Agustin

VIGAN CITY – Karamihan sa mga imaheng ipinuprusisyon tuwing Semana Santa sa lungsod ay mga antigo na, at ang iba ay higit 300 taon na umano.

Kayamanan na kung ituring nina CJ Figuerres ang imahe ni San Pedro. Sila ang pang-limang henerasyon na nag-aalaga sa imahe.

“Kailangan dedicated ka rin na magsilbi sa simbahan para sa tradisyon ng Katoliko,” sabi niya.

Kuwento daw ng kanilang lolo, 18th century pa ang imahe galing sa isang prominenteng tao noon sa Vigan City at ipinasa sa mga kamag-anak.

Ang kanilang lolo ang nag-aayos noon sa imahe hanggang sa ipinagkatiwala na ito sa kanilang angkan.

Pangako nila na aalagaan ang imahe hanggang sa mga susunod pa na henerasyon.

May iba pang mga antigong imahe tulad ng mga banal na kababaihan na nagsilbi kay Jesus, mga apostol at mga imahe na nagpapakita sa naging paghihirap ni Jesus.

“Usually, ang mga old ay made out of wood na hindi basta naluluma o nasisira,” ayon kay Stephen Tablos, isang historian.

Sa mga naisaling kuwento, ang mga mayayaman umano noon ay naglaan ng isang bahagi ng kanilang lupa para sa pagpapanatili ng mga imahe at hindi na magiging problema ng mga susunod na henerasyon ang pag-aalaga at pagpapanatili sa mga ito.

“Karamihan 'yung mga luma is galing simbahan, pinaalagaan sa mga pamilyang talagang malapit sa simbahan,” paliwanag ni Mario Ruelos, presidente ng Parish Pastoral Council ng St. Paul’s Metropolitan Cathedral.

Pero sa pagdaan ng panahon, may mga bagong imahe na rin ang naidaragdag tulad ng Last Supper at imahe nang makita ni Maria si Hesus sa Kalbaryo.

Ipinoprosisyon ang mga ito tuwing Biyernes Santo na dinadaluhan ng libo-libong deboto at turista.