PatrolPH

Babae, kapatid patay sa pamamaril; Suspek patay rin

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2019 09:10 PM

Binaril at napatay ng isang Chinese sa Maynila nitong madaling araw ng Martes ang kaniyang kasintahan at kapatid nito dahil sa selos, ayon sa pulisya.

Tumakas ang suspek na kinilala ng mga awtoridad bilang si Qiu Shaojie pero nagpakamatay din umano siya.

"Tumalon sa hospital, from fifth floor... ito 'yong same person na suspect doon sa pamamaril," ani Police Lt. Col. Carlo Manuel, public information officer ng Manila Police District (MPD).

Nakuhanan pa ng closed-circuit television camera ang insidente ng pamamaril ni Qiu sa sinasabing nobya niyang si Ivy Ke Wanting at kapatid nitong si Ke Jinshun.

Selos ang dahilan ng pamamaril ng suspek, ayon sa pulisya.

Narekober din ng MPD ang baril na ginamit sa pamamaslang.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.