DHAKA, BANGLADESH - Nakipagpulong sa Embahada ng Pilipinas sa Bangladesh noong April 13 ang mga opisyal ng American International University-Bangladesh o AIUB sa pangunguna ng founder nito na isang Pilipina, si Dr. Carmen Lamagna patungkol sa patuloy at pagpapatibay ng kooperasyon sa edukasyon sa pagitan ng Pilipinas at Bangladesh.
Sina Dr. Carmen Lamagna at Philippine Ambassador to Bangladesh Leo Tito Ausan, Jr.
Ayon pa sa Embahada, si Dr. Lamagna ang unang babaeng Vice-Chancellor sa Bangladesh. Ibinahagi ni Dr. Lamagna kay Philippine Ambassador to Bangladesh Leo Tito Ausan, Jr. ang mga programa ng AIUB at kung paano maisusulong ang pagpapatibay sa relasyon ng Bangladesh at Pilipinas sa edukasyon.
Ang talakayan sa pagitan ng AIUB at Embahada patungkol sa pagpapatibay ng PH-Bangladesh relations sa sektor ng edukasyon
Tiniyak ni Dr. Lamagna na handa ang kanyang pamunuan sa pagsuporta sa mga programa ng Pilipinas sa Bangladesh para sa mas magandang oportunidad sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Bangladeshi.