PatrolPH

Grupo pumalag sa pag-angkat ng buffer stock ng NFA rice

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2023 04:22 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Minumungkahi ng isang rice group ang pagpapalakas ng local production ng bigas sa harap ng tumataas na presyo nito sa merkado, na idinahilan nila sa pagmamanipula sa presyo nito. 

Ayon kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas, ikinadismaya nila ang kawalan ng buffer stock umano ng National Food Authority na may balak na mag-import ng bigas para rito. 

Giit din ni Estavillo na mga importer ang ang makikinabang sa plano ng NFA.

Dagdag niya malaki ang posibilidad na mas tumaas pa ang presyo ng bigas. 

"Maaaring maulit ang nangyari noong 2018 na umabot sa 80-90 ang kada kilo ng bigas," aniya sa panayam sa Teleradyo. 

Para aniya maiwasan ito, dapat bigyan ng gobyerno ng sapat na ayuda ang mga magsasaka. 

"'Yung support services, subsidies, irrigation, post harvest facilities dapat may gawin din ang gobyerno," ani Estavillo. 

-- Teleradyo, 15 Abril 2023. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.