PatrolPH

Umano'y tulak ng droga sa Antipolo timbog; P400k shabu nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2022 04:15 PM

MAYNILA — Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo police nitong Biyernes ang isang umano'y drug personality na matagal nang nasa kanilang watchlist.

Kinilala ang suspek na si alyas "Jess," na nahuli sa isang subdivision sa Bgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Aabot sa higit 61 gramo ng shabu na may street value na higit P400,000 ang nakuha sa suspek.

"Nasa watchlist natin sya kaya nasa monitoring natin. Naaktuhan natin na nagbebenta kaya nahuli siya ng tropa sa buy-bust," ani Antipolo police chief Lt. Col. June Paolo Abrazado. 

Iniimbestigahan naman ng Antipolo police kung sangkot pa sa ibang krimen ang suspek

Illegal possession of firearms at paglabag sa Dangerous Drugs Act ang kasong haharapin ng suspek.

—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.