PatrolPH

'Notoryus' drug suspek sa Mabalacat timbog; P500k shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2022 08:29 PM

MAYNILA — Natimbog nitong Biyernes Santo ang umano'y notoryus drug personality sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Bgy. San Francisco, Mabalacat City, Pampanga pasado alas-3 ng madaling araw.

Kinilala ang nahuli na si Bernie dela Cruz, alyas "Boss," 41.

Nakalista umano ito bilang "High Value Individual level 1" sa Mabalacat City Police. Miyembro din umano siya ng Sputnik gang at kakalabas lamang ng kulungan noong Marso 2022.

Nakuha kay Dela Cruz ang 7 sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa 75 gramo at di bababa sa P510,000 ang halaga.

Nasa kustodiya na ngayon ng Mabalacat City Police ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kaniya. 

—Ulat ni Gracie Rutao 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.