PatrolPH

Paghalal sa tamang pinuno, katapusan ng pandemya hiling ng mga nagpenitensya

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2022 08:55 PM

Karamihan sa mga namamanata hiling ang matapos na ang pandemya. Courtesy of Robel Jorge
Karamihan sa mga namamanata hiling ang matapos na ang pandemya. Courtesy of Robel Jorge

MARIVELES, Bataan — Itinuloy na rin ngayong taon ang tradisyon ng pagpepenetensya tuwing Byernes Santo sa Bataan.
    
Sa tala ng mga awtoridad, aabot sa 700 flagellants ang lumabas sa daan sa ilalim ng matinding sikat ng araw. 

Karamihan sa mga namamanata hiling ang matapos na ang pandemya.

“Ngayon pong lumipas ang 2 taon at muli po kaming namanata, ang hiling ko lang po mawala na po ang pandemya," ani Erwin Gonzales, nagpenetensya.

Kasama rin sa kanilang hiling ngayong taon ang maiupo sa puwesto ang mga nararapat maihalal.

Dahil sa tindi ng init at mataas ng sikat ng araw, may ilan na nagmagandang loob para mamigay ng libreng inumin.

—Ulat ni Gracie Rutao
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.