Drug den sa Zambales, sinalakay; 10 arestado

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2021 10:40 PM

Kuha ng PDEA Region 3

Arestado ang 10 suspek sa raid sa isang drug den sa Purok 6B, Barangay Calapacuan sa bayan ng Subic, probinsya ng Zambales.

Nakuha sa kanila ang may 9 sachet ng hinihinalang shabu na nasa 15 grams ang bigat.

Tinatayang aabot sa P120,000 ang street value ng mga nasamsam na droga.

Nagsamasama ang pwersa ng PDEA Zambales Provincial Office, Zambales PPO PDEU/PIU/S2, Subic MPS, CIDG Zambales,CIDG Olongapo, Zambales PECU, Zambales MARPSTA, Zambales Coast Guard, 23rd SAC 2SAB, 305th Manuever Company, 1st PMFC, 2nd PMFC, PDEA K9/SIU-SBMA, PDEG, pag makubkob ang naturang drug den.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli. -- Ulat ni Gracie De Jesus Razon-Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC