Halos magdamag nang nakapila ang ilang mga tsuper ng public utility vehicles sa Landbank malapit sa Commission on Audit, Quezon City para makuha ang kanilang ayuda mula sa pamahalaan.
"Magdamag walang tulog, kagabi hanggang ngayon. Walang tulog. Nakadalawang balik na kami kaya naniguro na kami kasi malayo ho kami [rito], Montalban," ani isang tsuper ng taxi ngayong Miyerkoles ng umaga, na nakapila na simula alas-6 ng gabi nitong Martes.
Umaasang makakatanggap ng ayudang nagkakahalaga mula P5,000 hanggang P8,000 mula sa Social Amelioration Program ang mga tsuper.
Buhat ng enhanced community quarantine, nawalan sila ng hanapbuhay at umaasa sa ayudang matatanggap para masustentuhan ang pangangailangan sa buhay.
- May ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
DZMM, Tagalog News, drivers, Social Amelioration program, Luzon lockdown, enhanced community quarantine, aid, financial aid, ayuda