40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 10:55 AM | Updated as of Apr 15 2020 01:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Maynila nitong umaga ng Miyerkoles, ayon sa mga awtoridad.

Tinatayang 20 bahay ang natupok sa may Delpan area sa Binondo district, ayon kay Cesar Chavez, chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno.

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa mga bahay, na karamihan ay gawa sa light materials.

Nagsimula ang sunog bandang alas-9:30 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma bago idineklarang under control bandang alas-10:21 ng umaga.

Ayon kay Fire Senior Superintendent Gerandie Agosnos ng Bureau of Fire Protection, umabot sa tinatayang P100,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Pansamantalang tumutuloy ang mga apektadong pamilya sa Baseco Evacuation Center.

Patuloy na inaalam ang sanhi o pinagmulan ng apoy.

--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.