'Rolling market' ng Quezon City LGU umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 10:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umarangkada na ngayong Miyerkoles ang rolling market ng Quezon City local government na layong ilapit ang mga paninda sa mga mamimili ngayong may enhanced community quarantine at hindi hinihikayat ang paglabas ng bahay. 

Pinamagatan itong "Fresh Market on Wheels" na nagsimula bandang alas-7 ng umaga. 

 

Prayoridad nito ang mga senior citizen lalo't ipinagbabawal na sa mga palengke ang mga edad 60 pataas. 

Kailangan lang magdala ng sariling ecobag, quarantine pass, at dapat panatilihin ang physical distancing. 

Makikita ang schedule sa Facebook page ng Quezon City LGU. 

Kung nais malaman ang schedule ng pagronda ng palengke, maaari anilang makipag-ugnayan sa barangay.  -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.