P70.4 milyon halaga ng 'shabu' nakumpiska sa Cavite; 4 timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 04:10 PM | Updated as of Apr 15 2020 05:17 PM

Retrato mula sa Philippine National Police Public Information Office

Aabot sa P70.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa 4 na lalaking naaresto sa buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite noong Martes.

Ang mgas suspek ay itinuturing na high-value targets, at kinabibilangan ng 2 Pinoy at 2 dayuhan, ayon sa ulat mula sa Philippine National Police (PNP).

Nakuha sa mga suspek ang nasa 11 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P70.4 milyon, ayon sa PNP.

"Even though we are working hard to end this pandemic, the PNP will not let down our guard and continue to enhance our fight against drug syndicates and high-value targets," sabi ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa.

Nasa kustodiya ng PNP Drug Enforcement Group ang mga suspek, na sasampahan ng mga kaukulang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.