P217,000 halaga ng shabu, nasabat sa Maynila; 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 10:05 PM

MAYNILA - Tatlong lalaki ang inaresto matapos mahulihan ng aabot sa P217,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Santa Cruz, Maynila nitong Miyerkoles.

Sa kabila ng enhanced community quarantine sa Maynila, ay lakas-loob na nakipagtransaksyon ang tatlong suspek mula sa tatlong magkakahiwalay na barangay sa lungsod.

Ayon kay Police Lt. Rowell Robles ng Manila Police Station 3, kanilang isinagawa ang buy-bust sa kahabaan ng Rizal Avenue malapit sa kanto ng Bambang Street.

Pitong plastic sachet ng kontrabando na aabot sa 32 gramo ang nasabat mula sa mga suspek.

Kakasuhan ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.