Gumaling sa COVID-19 patuloy ang pagtaas; mga nagpositibo nasa 5,453 na

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 05:18 PM | Updated as of Apr 15 2020 09:47 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ito ng 58 nitong Miyerkoles.

Sa ulat ng Department of Health, 58 ang bagong gumaling sa sakit kaya nasa 353 na ang kabuuang recoveries. 

Ito ang pinakamataas na bilang ng naitalang recovery sa loob ng isang araw. 

Samantala, pumalo naman sa 5,453 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil nakapagtala ng bagong 230 kaso nitong araw. 

Umabot naman sa 349 na ang nasawi matapos pumanaw ang 14 na pasyente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.