Isinailalim sa extreme community quarantine ang bayan ng Kawit, Cavite simula ngayong Miyerkoles bilang hakbang laban sa pagkalat ng bagong coronavirus disease (COVID-19).
Inanunsiyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo ang pagpapatupad ng extreme community quarantine sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Sa ilalim ng quarantine, mas mahigpit nang ipatutupad ang operating hours sa lahat ng establisimyento sa bayan mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-5 ng hapon, ayon kay Aguinaldo.
Maghihigpit din umano sa pagbabantay kung nasusunod ang social distancing sa mga pampublikong lugar.
Kailangan ding magdala ng personal log sheet ng mga taong pinapayagang lumabas ng kanilang mga bahay, kung saan sasalamin lahat ng mga taong nakakasalamuha nila, sabi ng alkalde.
"Sa ganitong paraan, mas madali tayong makagagawa ng contact tracing sakaling may mag-positive man," aniya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Kawit, Cavite, Angelo Aguinaldo, COVID-19, coronavirus disease, extreme community quarantine