Barangay chairman sa Laguna, pinagtataga ng inaanak sa kasal

Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 10:01 AM | Updated as of Apr 15 2020 11:29 AM

Nakakulong na ngayon ang suspek na tumaga at nakapatay sa Barangay Chairman ng Sta. Ana sa San Pablo, Laguna.  Larawan mula sa San Pablo City Police

SAN PABLO, Laguna - Patay ang isang 57-anyos na barangay chairman sa lungsod na ito matapos siyang pagtatagain ng kaniyang inaanak sa kasal, Martes ng umaga.

Nakikipag-usap lamang si Barangay Sta. Ana Chairman Larry Rosales sa suspek na si Pablito Hernandez, 45, nang bigla itong maglabas ng jungle bolo, ayon sa pulisya. 

Watch more in iWantTFC

Nakaiwas at nakatakbo pa ang biktima pero inabutan din ito ng suspek at doon na pinagtataga. Nadala pa sa ospital si Rosales pero binawian din ng buhay.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa binti si Hernandez dahil tumanggi itong sumuko sa awtoridad. Dinala rin siya sa kulungan matapos ipagamot at nahaharap sa kasong murder. ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.