4 arestado sa ilegal na tupada sa Laoag City

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 01:23 AM

Arestado ang 4 lalaki na nagtutupada sa isang farm sa Barangay Gabu Sur, Laoag City, Ilocos Norte nitong Miyerkoles. 

Nakatakbo naman ang apat na iba pang suspek.

Nakumpiska ang dalawang manok, mga gamit sa sabong, at bet money na mahigit P2,000.

Haharap ang mga suspek sa kasong ilegal na pagsusugal. 

Pansamantala silang nakalaya dahil nakapagpiyansa ng tig P30,000 bawat isa.