Dating pulis timbog sa buy-bust sa Davao Oriental

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2019 07:58 PM

MATI CITY, Davao Oriental - Kalaboso ang isang dating pulis sa buy-bust operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Huwebes ng umaga. 

Kinilala ang suspek na si Edilberto Calamba Panes, 53-anyos, na pang-apat umano sa listahan ng mga high value target ng PDEA Region 11.

Dating pulis si Panes at natanggal umano sa serbisyo dahil sa kasong murder.

Nadakip siya sa joint drug bust operation sa Barangay Central, Mati City, Davao Oriental.

Unang nabilihan ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 pero nakuhanan pa ito ng mga operatiba ng anim na gramo ng shabu na lahat lahat nagkakahalaga ng P73,000.

"HVT (high-value target) siya because he is a former police officer and the same time number 4 siya sa target list," ayon kay PDEA-XI director Antonio Rivera

Kinasuhan na ang suspek ng paglabag sa Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.