Lalaki tiklo sa pagdadala ng karit, itak sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2018 01:50 PM

BACOLOD, Negros Occidental - Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki Sabado ng gabi sa bayan na ito dahil sa paglabag sa batas na nagbabawal sa pagdadala ng armas tuwing panahon ng eleksyon. 

Nahuli ang suspek matapos tingnan ng mga pulis ang kanyang bag sa entrada ng Panaad Park and Stadium sa Barangay Mansilingan. 

Nakuha sa kanya ang isang karit at itak na parehong saklaw ng ban sa mga baril, pampasabog, bladed weapons at iba pang armas.

Inamin ng suspek na pag-aari niya ang mga armas, na dinadalaa umano niya bilang proteksyon sa trabaho bilang ice cream vendor. 

Siya ang unang violator ng Bacolod sa gun ban na ipinatupad simula Sabado bilang bahagi ng barangay at Sangguniang Kabataan election period. 
 
Ulat ni Meneil Lopez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.