PatrolPH

P4.2-milyong 'shabu' nasamsam sa 4 na suspek sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2022 02:04 PM

Ebidensiyang nakuha sa mga suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Taguig City noong Abril 13, 2022. Retrato mula sa Southern Police District Public Information Office
Ebidensiyang nakuha sa mga suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Taguig City noong Abril 13, 2022. Retrato mula sa Southern Police District Public Information Office

Aabot sa P4.2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa 4 na suspek sa buy-bust operaiton sa Taguig City noong gabi ng Miyerkoles, ayon sa pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, hinuli nila ang mga suspek na pawang mga high-value target matapos silang bentahan ng P43,000 halaga ng shabu sa Barangay Ligid-Tipas bandang alas-7:45 ng gabi.

Nakumpiska umano ng mga pulis sa mga suspek ang 7 sachet ng ilegal na droga na may timbang na 625 gramo.

Kasama rin sa mga nakuha sa kanila ang boodle money at digital weighing scale. 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.