PatrolPH

Mga bakasyonista, dagsa na sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2022 04:37 PM

MAYNILA — Nagsimula nang dumagsa ang mga bakasyunista sa lalawigan ng Pangasinan, Huwebes Santo. 

Bukod kasi sa paggunita Mahal na Araw, bukas na ang tourist destinations sa lalawigan matapos maghigpit dala ng pandemya.

Ayon sa Provincial Tourism Office, hindi na kailangan ng online registration bago makapasok sa kanilang lalawigan. Dapat na lang dalhin ng mga magbabakasyon ang kanilang vaccination card at magsuot ng face mask.

Dinadagsa na rin ng mga deboto ang simbahan ng Our Lady of Manaoag kung saan ipinatutupad pa rin ang minimum public health standards. 

Mga bakasyonista, dagsa na sa Pangasinan

Ikinatuwa ng mga tindera sa paligid ng simbahan ang pagpunta ng mga nagbi-Visita Iglesia sa kanilang lugar. Bukas na rin ang mga hotel at mga dinarayong kainan sa lalawigan.

Mga bakasyonista, dagsa na sa Pangasinan

Pero sa bayan ng Bolinao, kailangan pa ring makipag-ugnayan ng mga bisita sa local tourism office bago pumunta rito. 

Limitado pa kasi ang pwedeng pumasok sa Patar Beach doon. 

Ayon kay Pangasinan tourism officer Malu Duayan, bukod sa baybayin ay maaari ring puntahan ang mga waterfalls, kuweba, light house, at ilog sa Bolinao. Maaari rin aniyang bisitahin ang museo at monasteryo ng nasabing bayan. 

— Ulat ni Terry Aquino

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.