Barangay chairman sa Davao Oriental, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2022 05:15 PM

Barangay chairman sa Davao Oriental, patay sa pamamaril 1
Barangay chairman sa Davao Oriental, patay sa pamamaril 2
Barangay chairman sa Davao Oriental, patay sa pamamaril 3

Police Regional Office XI

Police Regional Office XI

Police Regional Office XI

MANILA -- Nasawi ang isang punong barangay sa Barangay Matiao, Mati City, Davao Oriental matapos barilin ng hindi pa nakikilalang armado Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Palma Gil Valera, 57, na binaril sa labas ng bahay nito sa Purok Matahimik-1.

Isinugod pa sa Davao Oriental Provincial Medical Center si Valera, pero idineklarang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon ng pulis, nagpapahinga lang umano sa duyan sa likod ng bahay ang biktima nang biglang pumasok ang armado at binaril ang biktima sa ulo na sanhi ng agarang pagpanaw nito.

Narekober mula sa crime scene ang tatlong basyo mula sa .45 caliber pistol pati na ang umano'y armas ng biktima na isang 9mm.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nangyaring krimen. Kabilang sa mga tinututukan ng mga awtoridad kung ang krimen ay dahil sa personal na atraso o di kaya'y may kinalaman sa pulitika.

Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang kapulisan para tugisin ang tumakas na salarin.

-- ulat ni Hernel Tocmo